Walang inaasahang papasok na bagyo hanggang sa susunod na buwan.
Ipinabatid ni Anthony Lucero, Officer-in-Charge for Climate Impact, Monitoring and Prediction Section ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ito ay bunsod pa rin ng epekto ng El Niño.
Kung matatandaan, ayon kay Lucero, walang bayo na pumasok sa Philippine Area of Responsibility noong Enero at Pebrero ng mga taong 1972, 1982, 1997 at 2009 matapos tamaan ng El Niño ang bansa.
Sa pagtaya ng PAGASA, dalawa hannggang anim na bagyo ang inaasahang papasok sa PAR sa unang quarter ng taong 2016.
By Meann Tanbio