Walang binabantayang bagyo o sama ng panahon ang PAGASA Weather Bureau sa loob at labas ng bansa.
Ayon kay Pagasa weather specialist Aldczar Aurelio, hindi na rin nakakaapekto sa Pilipinas ang shearline pero pinalitan ito ng easterlies o ang mainit na hangin na nagmumula sa dagat pasipiko na nakaapekto sa malaking bahagi ng bansa.
Dahil pa rin sa easterlies, asahan ang maulap na kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog, at pagkidlat sa Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon Province, at Bicol Region bunsod ng thunderstorm.
Makararanas din ng kalat-kalay na pag-ulan ang bahagi ng palawan dahil parin sa Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ) habang magiging maaliwalas naman ang panahon sa Metro Manila at nalalabing bahagi pa ng Luzon.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 25°C hanggang 32°C habang sumikat naman ang haring araw kaninang 5:59 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 5:24 ng hapon.