Wala pa ring namomonitor o namamataang sama ng panahon o bagyo ang PAGASA Weather Bureau na posibleng makaapekto sa bansa.
Ayon kay Pagasa weather specialist Grace Castañeda, Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ) pa rin ang umiiral sa bansa kaya’t patuloy na makararanas ng mga pag-ulan sa bahagi ng Southern Mindanao.
Asahan pa rin ang mga isolated light rains o yung mga pulu-pulong mahihinang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa bahagi ng Extreme Northern Luzon maging sa bahagi ng Batanes, Cagayan, at nalalabing bahagi pa ng bansa bunsod ng northeast monsoon o hanging Amihan.
Fair weather condition naman ang mararanasan sa Metro Manila maliban na lamang sa tiyansa ng mga pag-ulan sa hapon hanggang sa gabi.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap naman ang kalangitan ang mararanasan sa bahagi ng Visayas at nalalabing bahagi ng Mindanao na may tiyansa ng pulu-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dulot parin ng localized thunder storms.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 24 hanggang 33°C habang sumikat ang haring araw mamayang 5:56 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 5:24 ng hapon.