Bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan ang mararanasan sa mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera, Cagayan Valley, at lalawigan ng Aurora.
Iiral naman sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.
Ayon sa PAGASA, katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na hangin mula sa hilagang-silangan ang iiral sa hilagang luzon at ang mga baybaying dagat nito ay magiging katamtaman hanggang sa kung minsan ay maalon.
Dagdag ng State Weather Bureau, walang inaasahang papasok na sama ng panahon ngayong Undas.
By Jelbert Perdez