Muling bumaba ang antas ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na magdamag ayon sa hydrology division ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Naitala sa 202.01 meters ang water level sa Angat Dam kumpara sa 202.17 meters kahapon.
Nabawasan din ang antas ng tubig sa La Mesa Dam gayundin ang iba pang Dam sa Luzon.