Nakubkob ng militar at pulisya ang pagawaan ng armas at bomba ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao kahapon.
Ayon kay 33rd Infantry Battalion Commanding Officer Lt. Colonel Harold Cabunoc, pinasok nila ang kuta ng mga terorista na pinamumunuan ni Sukarno Buka alyas Buka at Parido Balabagan alyas Banog.
Nasamsam ng mga sundalo at pulis ang mga matataas na uri ng armas kagaya ng rocket propelled grenade launchers, home-made rifles, handguns at mga bala.
Arestado naman ang 15 katao at pinainiimbestigahan ang posibleng partisipasyon ng mga ito sa paggawa ng armas,bala at bomba ng BIFF.
—-