Nawasak ng militar ang pagawaan ng bomba ng BIFF o Bangsamoro Islamic Freeedom Fighter sa Maguindanao.
Ayon kay Brig. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng 6th infantry division, kaninang 4:00 ng madaling araw nang lusubin nila ang Southern Liguasan kung nasaan ang I-E-D factory ng mga kalaban.
Gumamit anya sila ng mga eroplano at kanyon para mapabagsak ang nasabing pabrika.
Gumanti ang mga kalaban na nasa 60 hanggang 100 ang bilang pero agad ding nagsitakas.
Hindi pa tiyak kung ilan ang nasawi sa BIFF.
Agad namang nagtaas ng bandila ng Pilipinas ang tropa sa dating pinagtatayuan ng pabrika ng bomba.
Pagtitiyak ni Sobejana, walang sibilyang nadamay sa operasyon at hindi nabulabog ang peace process ng gobyerno sa MILF.