Binomba ng Estados Unidos ang umano’y pagawaan ng mga chemical weapon ng ISIS sa Iraq.
Ayon kay US Air Force Lt. Gen. Jeffrey Harrigian, ang imbakan ng mga armas ng ISIS ay dating pharmaceutical facility na matatagpuan sa lungsod ng Mosul.
Sinabi ni Harrigian na 12 eroplanong pandigma ang naghulog ng mga bomba sa ISIS headquarters.
Ang hakbang ay ginawa ng Amerika isang buwan matapos mabunyag na gumagamit ng mga mapaminsalang armas ang ISIS at gayundin si Syrian President Bashar Al-Assad.
By Jelbert Perdez