Nasa 10 katao ang sugatan matapos ang pagsabog sa isang pagawaan ng paputok sa Sitio Manggahan, Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan.
Sa panayam ng DWIZ sinabi ni Fire Captain Arvin Catipon, Spokesperson at PIO Chief ng Bureau of Fire Protection- Region 3 na agad na isinugod sa ospital ang mga sugatan kung saan 4 dito ang nasa kritikal na kondisyon habang 6 ang nagtamo ng minor injuries.
Aniya, naitala ang pagsabog sa isang maliit na pagawaan ng paputok dakong 12 :26 ng tanghali.
Nilinaw din ni Catipon na pawang manggagawa ng paputok ang 4 na mga sugatan habang ang 6 ay iyong nasa katabing bahay ng nasabing pagawaan.
Tinitingnandin nila aniya kung may permit ang factory mula sa munisipyo, BFP at iba pang ahensya ng gobyerno.
Samantala, sinabi ni Catipon na patuloy nilang iniimbestigahan ang naturang insidente.
Sa inisyal po na pagtatanong natin, doon sa mga nakasurvive sa pangyayari,tsaka sa ilan pong na andoon, sa mga nearby the area, sabi nila ito ay pagawaan ng maliliit na rocket na, sumasabog, mga kwitis po, and ang mismong nagtitrigger sa pagputok nagkaroon po ng problema sa isa doon, which is nagcause habang inilalagay or habang sineset-up kaya nagcause ng pagsabog, pero, but then again right now, we are still completing our investigation, sa mkatuwid nga po na andoon pa ang team natin, conducting and still finalizing the report kung ano ba talaga ang rason ng pagsabog”.
Ang tinig ni BFP- Region 3 Spokesperson at PIO Chief, Fire Captain Arvin Catipon, sa panayam ng DWIZ