Inihayag ni Philippine Exporters Confederation Incorporated President Sergio Ortiz Luis Jr. na isa sa mga makikinabang sa patuloy pagbaba ang halaga ng piso kada dolyar ang mga exporter at mga pamilya ng Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ayon kay Luis, halos 100% ng import component ng bansa ang nakikinabang dito na taliwas naman sa pangamba ng maraming ordinaryong pilipino na pasakit ang matataas na bilihin at singil sa mga pangunahing serbisyo.
Binigyang-diin ng opisyal na karamihan ng mga Pilipino, ay umaaasa sa dolyar.
Sinabi rin ni Luis na maaari namang maapektuhan ang mga importers dahil sa pagbagsak ng halaga ng piso.