Suportado ng National Task Force ang rekomendasyon ng metro manila mayors na ibaba sa Alert level 1 ang National Capital Region (NCR).
Ayon kay National Task Force (NTF) against COVID-19 Chief implementer Carlito Galvez Jr., paguusapan bukas, Huwebes ng mga Alkalde sa Metro Manila ang pagde-escalate ng Alert level 1.
Sinabi ni Galvez na naging maganda ang situwasyon ng bansa dahil sa patuloy na pagbaba ng bilang sa mga kaso ng COVID-19 at mataas na vaccination rate.
Sakaling ibaba sa Alert level 1 ang Metro Manila, papayagan na ang Intrazonal at Interzonal travel maging ang lahat ng indibidwal, pag-ooperate ng mga establisyimento, aktibidad, on-site sa trabaho, venue at seating capacity. —sa panulat ni Angelica Doctolero