Nanininwala si Tourism Secretary Bernadette Romulo – Puyat na makatutulong ang pagpapababa ng alert level sa Metro Manila sa sektor ng turismo at negosyo lalo’t nalalapit na ang holiday season.
Sa ilalim ng alert level 3, papayagan na ang dine-in services, venues sa meetings, conferences, exhibitions, weddings, parties maging ang tourist attractions, kabilang na ang museums at parks.
Ayon kay Puyat, ikinalugod nila ang pag-downgrade ng alert level dahil nangangahulugan itong magbabalik-operasyon na ang mga tourism-related activities sa ilang piling lugar.
Makababalik na rin anya sa trabaho ang mga naapektuhang tourism worker na isang magandang pamasko para sa kanila.
Gayunman, mag-o-operate lamang ang mga business establishment nang hanggang 30% sa indoor capacity para sa fully vaccinated individuals, batay sa DOT.—sa panulat ni Drew Nacino