Hindi pa inirerekomenda ng OCTA Research Team na ibaba ang alert level system ng Metro Manila mula sa kasalukuyang alert level 3.
Ito ay kahit bumababa na ang naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, hindi pa natatapos ang pagkalat ng COVID-19 dahil sa Omicron variant.
Aniya, kailangan munang ibaba sa moderate risk ang NCR bago magpalit ng alert level para maipagpatuloy ang mabilis na pagbaba ng kaso.
Batay sa datos ng OCTA, nasa kritikal level pa rin ang reproduction number, average daily attack rate, positivity rate at risk level sa Metro Manila.
Habang nasa moderate ang health care utilization na nasa 58%. —sa panulat ni Abby Malanday