Pinag-aaralan ng Inter-Agency Task Force (IATF) kung tama na bang ibaba ang alert level sa Metro Manila sa kabila ng banta ng Omicron variant.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na ang lahat ng probinsiya na nasa highly urbanized cities at independent component cities sa Pilipinas ay nakasailalim pa rin sa alert level 2.
Aniya, kailangan magkaroon ng mga lugar na ito ng vaccination coverage na 70% para sa mga senior citizen , persons with comorbidities at target population.
Sa ngayon, tanging ang Metro Manila pa lang ang kwalipikado na isailalim sa mas mababang alert level.