Nagbanta ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na hindi sila makikiisa sa second phase ng decommissioning o pagbaba ng armas kung hindi maipapasa ang panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Ang pahayag ay ginawa ni MILF Chief Al Haj Murad Ebrahim matapos ang ceremonial decommissioning ng 75 armas kahapon.
Iginiit ni Ebrahim na sasali lamang sila sa ikalawang bahagi ng pagsusuko ng mga armas kung aprubado na ang BBL.
Dagdag pa ni Ebrahim, tatanggapin lang nila ang BBL na naaayon sa napirmahang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB).
By Meann Tanbio