Hindi umano dapat ikaalarma ang unti-unting pagbaba ng bilang ng mga estudyante sa online learning.
Ayon kay DepEd Usec Diosdado San Antonio, kasalukuyan pang benebiripika ang naturang impormasyon kung saan sa Enero nila inaasahang matatanggap ang mga ulat kaugnay sa learning continuity at challenges ng kasalukuyang sistema ng edukasyon.
Gayunman sinabi ni San Antonio na hindi ito dapat ipangamba dahil maaari naman aniyang magsagawa ng ibang distance learning modality basta’t matiyak lamang na mabibigyan pa rin ng access sa mga learning resources ang bawat mag-aaral.
Kung internet halimbawa ang problema, pupwede umanong gawin ang “digital delivery modality” ng modules kung saan hindi na kailangang umattend pa ng klase ang mga estudyante.