Kinatuwa ng Malakanyang ang pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan sinasabing bumaba ang bilang ng mga nagugutom na Pinoy.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, indikasyon ito na nakakarating na sa pinakamahihirap na pamilyang Pilipino ang mga programang pang mahihirap ng gobyerno.
Kabilang sa mga programang pinakikinabangan ng lubos ng ating mga kababayang mahihirap ngayon ang conditional cash transfer, pagtataas ng pensyon ng mga senior citizen, libreng gamot at iba pa.
Sa mga nagtatrabaho naman sa gobyerno, sinabi ni Abella na nadagdagan na ang combat duty pay ng mga sundalo, gratuity pay sa mga job order at contract workers at pagregular sa libu-libong mga kawani ng pamahalaan.
By Ralph Obina |With Report from Aileen Taliping