Welcome sa Malakanyang ang huling datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) kung saan bumaba ng 5.8% o katumbas ng 2.87M ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa noong Marso.
Ayon sa Malacañang, ipinapakita nito ang mabisang dulot ng pagpapatupad ng Alert level system sa bansa upang mapalago ang ekonomiya.
Mabuti naman ang datos dahil mas marami ng Pilipino ang nakakabangon at nakabalik sa trabaho mula sa epekto ng COVID-19.
Ang datos ng psa nitong Marso ay mas mababa ng 6.4% o 3.13M jobless Filipinos noong Pebrero.