Ikinatuwa ng Malakaniyang ang pagbaba ng bilang ng mga walang trabaho sa Pilipinas batay sa Social Weather Stations (SWS).
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, malaki ang naging papel ng Philippine Labor Force at pag-uutilize ng human source bilang paraan ng pagpapaigting ng standard lifestyle o pangkalahatang pamumuhay ng mga Pilipino.
Nagtagumpay din aniya ang domestic at foreign investment para maging mayabong at masigla ang labor market.
Kasabay nito, tiniyak ni Panelo na tuloy-tuloy ang pamahalaan sa pag likha ng mas marami pang de kalidad na trabaho para sa mga Pilipino.