Ikinalugod ng Malakañang ang resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan bumaba ang bilang ng mga nabibiktima ng mga common crimes tulad ng pandurukot, panloloob, carnapping, at physical violence.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sumasalamin ang nabanggit na survey sa tagumpay ng pamahalaan sa kampanya kontra krimen at iligal na droga.
Taliwas aniya ito sa mga ipinalalabas na black propaganda ng oposisyon, mga kritiko ng pangulo, at iba pa na nais palabasing bigo ang war on drugs.
Batay sa SWS survey, bumaba sa 5.6% ang bilang ng mga nabibiktima ng mga common crimes sa ikatlong bahagi ng taon mula sa naitalang 7% noong Hunyo ng kasalukuyang taon.
Pinakababa din anila ito sa loob ng labing limang buwan.