Ramdam na rin ng mga pribadong pagamutan ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Private Hospital Association of the Philippines (PHAPI) President Dr. Jose Rene Grano, malaki na ang ibinaba ng virus admission sa mga private hospital.
Aniya, halos nasa 30% na lamang ang utilization rate ng mga pribadong ospital at patuloy ring bumababa ang kanilang mga daily active cases.
Samantala, sinabi ni Grano na nakahanda parin ang kanilang mga pagamutan sakaling magkaroon muli ng bahagyang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa. — sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17), sa panulat ni Airiam Sancho