Ipinagmalaki ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kapuna-punang pagbaba ng antas ng krimen ngayong panahon ng Undas kumpara nuong nakalipas na taon.
Ayon kay NCRPO chief P/BGen. Debold Sinas, mula Oktubre 28 hanggang Oktubre 30 ngayong taon, nasa 148 ang naitalang bilang ng krimen kumpara sa 176 na naitala naman sa parehong panahon nuong isang taon.
Pinakamarami sa mga naitalang krimen ay robbery, sinundan naman ng theft, gayundin ng physical injuries, rape, at iba pa.
Samanatala, umaasa si Sinas na mananatiling mapayapa at ligtas ang paggunita ng Undas ng mga taga Metro Manila sa kabuuan ng maghapong hanggang bukas — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9).