Posibleng ang pansamantalang pagkakaalis ng Philippine National Police o PNP sa war on drugs ang dahilan ng pagbaba ng bilang ng mga patayan sa bansa.
Ayon mismo ito kay PNP Chief Ronald Dela Rosa kasunod ng obserbasyon ng isang senior drug official sa Amerika na nagsabing bumababa ngayon ang bilang ng extrajudicial killings sa Pilipinas.
Ayon kay Bato, posibleng sumabay sa pagtigil ng PNP sa giyera kontra droga ang mga sindikato na sumasakay noon sa war on drugs.
Wala na kasi aniyang mapagbibintangan ang mga ito.
Pero ngayong bumalik na muli sa kampanya ang PNP, tiniyak ni Bato na nakabantay sila sa posibleng pagbabalik rin ng mga sindikato na siyang may kagagawan umano ng mga patayan.
—-