Malaki ang epekto ng nangyayari sa China, sa pagbaba ng exports ng bansa, nitong Hulyo.
Ipinaliwanag ni Sergio Ortiz–Luis, Pangulo ng Philippine Exporters Confederation at Philippine Chamber of Commerce and Industry na ito ay dahil isa ang China sa pangunahin nating merkado at ito ang kadalasang sumasalo sa ating bansa.
“Noong una kasi pag may problema tayo, ang sumasagot China. Noong nagka problema ang China, wala na. Yung opportunity na dating tinatamasa natin nawala.”
Malaki din aniya ang epekto ng mas kumplikadong alituntunin sa pagkuha ng permits, katulad nalang ng kada taon na mandatory seminar sa good governance.
“Dati isang beses lang , ngayon imposed na every year. Pareho lang naman ng pareho yung sasabihin. Hindi ko maintindihan,” giit ni Luis.
Tax reform
Suportado ng Philippine Chamber of Commerce and Industries, ang panukalang bababaan ang sinisingil na income tax, sa bansa.
Sinabi ni Sergio Ortiz–Luis, Pangulo ng Philippine Chamber of Commerce and Industry, na ito ay dahil ang Pilipinas ang mayroong pinaka mataas na sinisingil na buwis, sa rehiyon.
“Ibaba yan (tax), dahil napaka taas ng atin kumpara sa iba. Actually, masyadong mabigat yung kapalit na hinihingi ng Finance,” paliwanag ni Luis.
Photo courtesy of UNTV
By: Katrina Valle | Karambola