Maganda ang epekto sa Pilipinas ng pagbaba ng fertility rate o bilang ng mga babaeng nagkakaroon ng anak.
Ito ang sinabi sa DWIZ ni Lolito Tacardon, Executive Director at Officer-in-Charge ng Commission on Population and Development (POPCOM), matapos bumagsak sa 1.63% o 1.6 milyon kada taon ang fertility rate sa bansa
Ayon kay Tacardon, magandang dulot ang tala lalo na sa trabaho, edukasyon, kalusugan, skills development at wellbeing ng buong pamilya.
Bentahe rin ito sa ekonomiya dahil mapipigilan ang pagtaas ng poverty rate.
“Lalo na kung ikaw ay sumusweldo lang ng minimum wage, kapag nasa Maynila ka kulang na kulang yung minimum wage mo for a family of, kahit ano lang 2 lang anak mo medyo pahirapan so if yung couples would be able to sustain yung ganyang bilang ng anak.. base sa kanilang kakayahan mabigyan ng magandang buhay, then I think it will really redound to socio economic development for the nation at large…” -Lolito Tacardon, Executive Director at Officer-in-Charge ng Commission on Population and Development (POPCOM)
Sa huling datos ng POPCOM, ang Zamboanga City, BARMM, at Eastern Visayas pa rin ang mayroong pinakamalaking fertility rate.
Nananatili naman sa CALABARZON ang pinakamataas na populasyon at migration.
“Base po doon sa datos natin noong 2022, wala pa po tayong regional disaggregation, gagawin palang po yan, pero sa atin pong 2017 actually nasa Zamboanga City atsaka sa BARMM at Region 8 yung may pinakamalalaking total fertility rate, noong 2017 nasa ano pa ‘yan mga around 3 to 4 total fertility rate mas mataas pa…” -Lolito Tacardon, Executive Director at Officer-in-Charge ng Commission on Population and Development (POPCOM)