Ikinatuwa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbaba ng inflation rate sa apat na sunod-sunod na buwan nitong Mayo na nasa 6.1%.
Ayon kay PBBM, batid ng administrasyon ang hangarin ng bawat Pilipino na magkaroon ng mas maginhawang pamumuhay kaya’t patuloy aniyang pinalalakas ang mga pang-ekonomiyang hakbang ng pamahalaan.
Ipinagmalaki pa ni Pangulong Marcos na ang pagsadsad ng inflation ay tanda ng patuloy na pagtahak ng bansa sa tamang direksyon para sa mas abot-kayang presyo ng mga bilihin.
Samantala, bunga ng commitment ng pangulo na tiyaking stable at affordable ang food supply sa bansa, inihahanda na ng department of agriculture ang agriculture at fisheries sector para sa nakaambang el niño phenomenon ngayong taon. - sa panunulat ni Jenn Patrolla