Inihayag ni Trade secretary Alfredo Pascual na hindi gaanong nakakaapekto sa Pilipinas ang pagbaba ng kalakalan ng European Union (EU)
Ayon kay Pascual, manageable o kaya pang makontrol ang epekto nito sa pagbili at pagbebenta ng mga suplay sa tulong ng livestocks, at iba pang commodities.
Sinabi ng Kalihim na ang nangyayari sa EU at ang Economic Downturn o pagbagsak ng ekonomiya nito sa merkado ay posibleng magdulot ng mababang bentahan sa mga produkto sa bansa pero hindi umano magiging severe.
Iginiit ni Pascual na mahigpit na minomonitor ng kanilang ahensya ang economic developments ng EU na isa sa pangunahing kasosyo sa kalakalan at pamumuhunan ng Pilipinas.
Nabatid na ang EU ang ika-6 na pinakamalaking export market ng Pilipinas noong nakaraang taon, na nakakuha ng 10.8% na bahagi ng kabuuang $8.06 billion sa export shares kung saan, umabot na sa 15.36% ang mga dayuhang namumuhunan sa bansa sa kaparehong taon.