Ramdam na ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa maraming ospital sa bansa nitong nakaraang araw.
Ayon kay Dr. Maricar Limpin, Pangulo ng Philippine College of Physicians (PCP), nararamdaman na nila ang pagbaba ng kaso simula nang bumaba ang naitatalang new cases ng COVID-19.
Dahil dito, may panahon na aniya sila upang asikasuhin ang iba pang sakit na walang koneksyon sa COVID-19.
Samantala, para sa kalagayan ng health workers, sinabi ni Limpin na nagiging maayos na ang bilang ng mga ito, dahil marami ang gumaling sa virus at nakabalik sa trabaho.
Batay sa pagtataya ng OCTA Research Group, posibleng bumaba na lang sa 500 ang kaso sa NCR pagsapit ng Pebrero. —sa panulat ni Abigail Malanday