Nilinaw ni Department of Health (DOH) Secretary Frncisco Duque III na hindi nangangahulungan ang mababang kasong naitala kahapon na pababa na ang trend ng covid-19 cases Pilipinas.
Ayon kay Duque, ang naitalang 28,007 bagong kaso kahapon ay dahil sa mababang testing output nitong linggo.
Karamihan aniya sa mga laboratoryo ay sarado at marami pa ang nasa quarantine dahil sa exposure sa isang nagpositibo.
Samantala, tiniyak naman ni Duque na patuloy pa rin ang hakbang na ginagawa ng gobyerno upang makontrol at hawaan dulot ng omicron variant ng covid-19. –Sa panulat ni Abby Malanday