Inaasahan na ng OCTA research group ang pagpalo sa mahigit 17,000 ng mga bagong kaso ng COVID-19, bagama’t napaaga ito sa unang projection ng grupo.
Ito’y ayon kay professor Guido David, fellow ng OCTA research group ay dahil hindi naman kaagad makikita ang epekto nang pinairal na dalawang linggong ECQ sa Metro Manila.
Kadalasan aniyang lumalabas sa kanilang pag-aaral na inaabot din ng halos tatlo hanggang apat na linggo matapos ang quarantine restrictions bago bumaba ang kaso ng COVID-19.
Sinasabi natin ..it’s going to get worse before it gets better, sa NCR ganu’n ‘yung sitwasyon kasi hindi naman agad-agad ‘pag nag-lockdown tayo agad bababa ‘yung bilang ng kaso, in fact last year mga 28 days bago bumaba ‘yung bilang ng kaso, earlier this year… I double check mga 3 weeks bago nagsimulang bumaba ‘yung mga bilang ng kaso. So it will take some time. Ngayon hindi natin alam kung 3 weeks, 4 weeks, 5 weeks, titingnan pa natin ‘yung sitwasyon sa Metro Manila.
Si professor Guido David, fellow ng OCTA research group sa panayam ng DWIZ.