Ramdam na ang pagbaba ng mga kaso sa NCR dahil sa pagbaba ng naitatalang transaksyon ng One Hospital Command Center.
Ito’y ayon kay Health Sec. Francisco Duque, at sinabing nasa 284 na lamang ang average transactions kada araw.
Mas mababa rin aniya ng 25% ang naitatalang mga kaso ngayong linggo kumpara sa nakalipas na linggo.
Sinabi naman ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na lumuluwag na rin ang ilang ospital at hindi na nangangailangan pa ng dagdag na health workers.