Isinisi sa TRAIN law ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kung bakit bumababa ang kita ng lotto.
Sa pagdinig ng House Committees on Public Accounts and on Game and Amusements, pinaliwanag ni PCSO chairman at general manager Anselmo Simeon Pinili na mas tinatangkilik ngayon ng mga mananaya ang small town lotter (STL), dahil sa tax free ito kumpara sa regular na lotto.
Sa ilalim kasi ng TRAIN law, pinatawan ng 20% na buwis ang bawat taya at panalo na mahigit P10,000 mula sa lotto at sweepstakes taliwas sa STL.