“Normal lamang ang pagbaba ng lebel ng tubig sa mga dam sa mga ganitong buwan”.
Ito ang inihayag ni Engineer Patrick Dizon, Division Manager ng MWSS o Metropolitan Waterworks And Sewerage System kasunod ng patuloy na pagsadsad ng water level sa mga pangunahing dam sa Luzon.
Mula sa daily average decrease na 17 centimers, posible pa aniya itong umabot sa 30 centimers.
Paliwanag ni Engineer Dizon, ito ay dahil bukod sa El Niño, ay tumataas din ang konsumo ng mga kustomer lalo at papasok na ang summer months.
Kaugnay naman sa ulat na posibleng bumulusok sa 180 meters ang water level sa angat, sinabi ni Engineer Dizon na hindi pa ito tiyak at magkakaroon pa lamang ng pagpupulong ang MWSS, kasama ang PAGASA at National Irrigation Administration ngayong araw upang talakayin ang nasabing forecast. – sa panunulat ni Laica Cuevas