Ikinatuwa ng malakanyang ang resulta ng pinakahuling labor force survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) kung saan makikitang bumaba ang bilang ng mga pilipinong walang trabaho sa bansa.
Ayon kay acting presidential Spokesperson Martin Andanar, epektibo ang ginawang implementasyon ng pamahalaan upang gumanda pa ang sitwasyon ng bansa.
Tiniyak naman ng kalihim na magpapatuloy ang pagbibigay ng target relief para sa transport sector, agriculture sector at pinakamahihirap na pamilya.
Matatandaang batay sa survey ng PSA, mula sa 3.96M pilipino na walang trabaho noong January 2021 ay bumaba na lamang ito sa 2.93M nitong January 2022. – sa panulat ni Abby Malanday