Hindi ikinabahala ng Malacañang ang pagbaba ng net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 52% noong Setyembre mula sa 62% noong Hunyo.
Sa halip na magalit, pinasalamatan pa ni Presidential Spokesman Harry Roque ang taumbayan dahil mataas pa rin naman ang nakuhang puntos ni Pangulong Duterte sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations.
Ayon kay Roque, ang very good rating ay indikasyon na nananatiling mataas ang kumpiyansa ng publiko sa pangulo at kanyang administrasyon sa kabila ng COVID-19 pandemic.
Tinitiyak aniya ng Gobyerno ang patuloy na pagtupad sa tungkuling mapabuti ang buhay ng mga mamamayang Pilipino na mararamdaman kahit matapos pa ang termino ni Pangulong Duterte sa taong 2022.
Batay sa SWS survey, 67% ng mga Pinoy ang kuntento sa trabaho ng punong ehekutibo, 15% ang hindi habang 11% ang hindi makapagdesisyon. —sa panulat ni Drew Nacino