Maari pa ring ituring na isang competitive ang piso kasunod ng pagbaba nito kontra US dollar simula ngayong taon.
Ayon kay Chairman of Brain Trust Incorporated, Cielito Habito, ang pagbaba ng halaga ng piso ay isang advantage hindi lamang sa export sector kabilang ang mga pamilya ng overseas Filipino workers (OFW) at non-exporters.
Mababatid na humina sa P59 ang isang US dollar noong October 17 at bahagyang lumakas muli sa halagang 58.55 pesos noong Biyernes, November 4.
Tinukoy ng eksperto na kailangan pagtibayin kaagad ang kasunduan sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) at ipagpatuloy ang kasunduan sa kalakalan para sa mas malawak na pag-access sa merkado. —sa panulat ni Jenn Patrolla