Kumonti ang mga buwaya sa Pilipinas.
Ito ang inanunsyo ng Department of Enviroment and natural resources sa 29th conservation week sa PUERTO PRINCESA CITY, dahil sa patuloy na habitat loss o kawalan ng tirahan ng mga buwaya at pag-atake ng mga tao.
Ayon kay DENR Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga, nabawasan ng 82% ang populasyon philippine crocodile na “Mindorensis” Na pinakabihirang species ng buwaya sa buong mundo.
Dagdag pa ni Secretary Loyzaga, sa ngayon tinatayang 500 nalang ang populasyon ng Philippine Crocodile, at 6,000 naman ang bilang ng mga saltwater crocodiles.
Kaugnay nito, binigyang diin ng kalihim ang kahalagahan ng conservation o pangangalaga ng Philippine Crocodile sa mga komunidad para sa kultura, ekonomiya, at upang masuportahan ang mga trabaho sa Ecological Tourism. – sa panunulat ni Charles Laureta