Ikinalugod ng administrasyong Marcos ang pagbaba ng poverty incidence sa unang semestre ng 2023.
Batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority, bumaba sa 16.4% ang poverty incidence mula sa 18% sa kapaherong panahon noong 2021, katumbas ito ng 230,000 kabahayan na nakatakas sa kahirapan.
Ayon kay PSA Chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, isang dahilan ng pagbaba ng mga mahihirap sa bansa ay ang pagtaas ng sahod ng mga manggagawa.
Mula 2021 hanggang 2023, bumaba ang antas ng kahirapan sa 15 mula sa 17 rehiyon sa bansa kabilang ang National Capital Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Soccsksargen at Caraga.
Naitala naman ang pinakamataas na poverty incidence sa BARMM.