Suportado ng United Sugar Producer Federation (UNIFED) ang pagbaba ng presyo ng asukal sa 70 piso kada kilo.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Manuel Lamata, Presidente ng UNIFED, na boluntaryong nakipag-ugnayan ang kanilang mga miyembro sa presidente upang ibaba ang presyo sa kada kilo ng asukal.
Ngunit aniya, hindi na nila kayang ibaba ito sa animnapung piso.
Kumbinsido naman si lamata na artipisyal lamang ang sugar shortage na kinakaharap ng bansa.
Kaugnay nito, naniniwala si Lamata na may economic sabotage sa artificial sugar shortage na kinakaharap ng bansa at dapat paimbestigahan ang mga sangkot sa ilegal na pag iimbak ng asukal. – sa panulat ni Hannah Oledan