Asahan na ang pagbaba ng presyo ng bigas bunsod ng pagdami ng supply nito sa merkado bago matapos ang buwan ng Marso.
Ito’y dahil sa pagpapatupad ng rice tariffication law.
Kasunod nito, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), ay posibleng alisin na ang suggested retail price (SRP) sa bigas dahil magiging stable na ang supply nito.
Nilinaw naman ng DTI na kailangan pa rin ang opinyon ng Department of Agriculture (DA) hinggil dito lalo na’t kung ipatutupad pa rin ang paglalagay ng label sa mga bigas.
Samantala, umabot na sa halos 500 ang bilang ng mga supermarket sa bansa na nagbebenta ng murang imported well-milled na bigas na nagkakahalaga ng 35 at 38 pesos kada kilo sa ilalim ng “presyong risonable dapat” program ng DTI.
—-