Posibleng bumaba pa ang presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa mga susunod na araw.
Inanunsyo ito ni LPGMA Partylist Representative Arnel Ty matapos bumagsak ang presyo ng krudo sa World Market.
Hindi naman tinukoy ni Ty kung magkano ang posibleng ibawas sa presyo ng LPG.
Ayon kay Ty, sa ngayon aniya batay sa report ng Department of Energy (DOE) ay 25 porsyento nang bumagsak ang presyo ng kada 11 kilogram ng LPG.
Oil price
Magpapatupad ng rollback sa presyo ng kanilang gasolina ang kumpanyang Shell.
Epektibo alas-6:00 ng umaga bukas, P0.70 ang itatapyas ng Shell sa kada litro ng kanilang gasoline.
Pero, P1.05 naman ang umento ng Shell sa kada litro ng kanilang kerosene at P0.95 na dagdag sa diesel.
By Judith Larino | Jill Resontoc (Patrol 7) | Ralph Obina