Dapat samantalahin ng Pilipinas bilang isang oil importer sa mga susunod na buwan ang mababang presyo ng mga produktong petrolyo.
Ito’y bunsod ng desisyon ng Organization of the Petroleum exporting countries na panatilihin ang mataas na lebel ng produksyon ng langis.
Ayon kay House Deputy Minority Leader at LPGMA Partylist Rep. Arnel Ty, malaking bentahe para sa mga importer gaya ng Pilipinas ang pagpapatuloy ng produksyon ng low-cost oil.
Ang desisyon anya ng OPEC ay na-ngangahulugan na ang global oversupply sa pagitan ng 700,000 at 1.8 Million BOPD o Barrels of Oil Per Day ay magpapababa sa presyo ng oil prices.
Magugunita noong Biyernes ay bumagsak sa 40 dollars per barrel ang presyo ng langis sa world market.