Walang epekto ang pagbaba ng porsyento ng mga sumusuporta sa anti-drugs campaign ng gobyernong Duterte.
Ayon ito kay VACC Spokesman Arsenio Boy Evangelista dahil kakaunti lamang ang nabawas sa mga naniniwalang epektibo ang kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga.
Sinabi sa DWIZ ni Evangelista na ang nakikita nilang hindi pumabor sa anti-drugs campaign ang mga nabibilang sa class D at E na siyang target ng naturang kampanya.
Bukod dito, inihayag ni Evangelista na malaking factor din sa nasabing survey result ang hindi pa puspusang paglilinis ng PNP o Philippine National Police sa mga tauhan nitong sangkot sa iligal na droga.
PAKINGGAN: Pahayag ni VACC Spokesman Arsenio Boy Evangelista sa panayam ng DWIZ
By Judith Larino