Nanganganib na numipis ang supply ng isda sa bansa dahil sa nalalapit na close fishing season.
Nakatakda namang mag-angkat ang Department of Agriculture ng nasa 6K metrikong toneladang isda ngayong taon.
Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic resources Director Eduardo Gongona, bahagi ito ng kanilang preparasyon sa close fishing season.
Ito ang panahon kung saan kaunti ang nahuhuling isda na kadalasang nagaganap mula Nobyembre hanggang Pebrero.
Kabilang anya sa mga aangkatin ang galunggong, matambaka, tulingan at iba pa.
Pinayuhan naman ni Gongona ang publiko na bumili na lamang muna ng alternatibong isda tulad tilapia, bangus at imported na galunggong.—sa panulat ni Drew Nacino