Nagsimula ng ipatupad ang Executive Order no. 128 na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte, na naglalayong ibaba ang taripa ng mga porks imports.
Nakasaad sa ilalim ng EO 128, ang tariff rate para sa imported na karne ng baboy sa quota o minimum access volume ay papalo sa lima hanggang sampung porsiyentong taripa.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar na babantayan nila ang pagpasok ng mga imported na karneng baboy sa bansa.
Sinabi ni Dar na ang naturang hakbang ay hindi magiging dahilan ng pagkamatay nang mga local hog industry.
Magugunitang ilang senador ang nanawagan para sa termination ng naturang direktiba sa pangamba na makakaapekto sa local pork producer pati na rin sa buong agriculture sector.—sa panulat ni Rashid Locsin