Mararamdam na ng mga mamimili ang pagbaba ng presyo ng asukal sa mga pamilihan sa unang quarter ng taong 2023.
Ito’y ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) sa kabila ng pagdating ng 150,000 metrikong tonelada ng asukal na inangkat ng pamahalaan.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, mayroong bumalik na 20 sugar miller association sa kanilang operasyon upang mas mapabilis ang pagproseso ng pag-ani ng asukal.
Ito rin anya ang naging sanhi ng Sugar Regulatory Administration (SRA) sa unang quarter sa susunod na taon.
Paalala ng DTI na samantalahin na muna ang pagbili ng asukal sa halagang P70 kada kilo sa mga palengke. - sa panunulat ni Jenn Patrolla