Inaasahan ng Department of Trade and Industry (DTI) na bababa na ang presyo ng manok kasunod ng pagbaba na rin ng naitatalang kaso ng African Swine Fever (ASF) sa bansa.
Ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, malaki ang naging epekto sa presyuhan ng manok ang pagtaas sa demand dito at sa iba pang non-pork products matapos maapektuhan ng ASF ang mga alagang baboy sa Luzon.
Sinabi ni Lopez, ngayong kumaunti na ang mga baboy na naapektuhan ng ASF, kanilang inaasahang mawawalan na ng pagaalinlangan ang mamimili sa pagkain ng mga karneng baboy at huhupa na rin ang demand sa manok.
Batay sa ulat, tumaas ng hanggang 7% ang presyo ng manok sa mga pamilihan sa nakalipas na anim na linggo.