Bumaba ang presyo ng manok sa ilang pamilihan sa Metro Manila sa kabila ng bird flu outbreak sa Pampanga.
Batay sa monitoring ng SINAG o Samahang Industriya ng Agrikultura, nasa 135 pesos kada kilo ang retail price ng manok mula sa average price na 160 pesos kada kilo.
Nasa 110 per kilogram naman ang whole price ng manok mula sa 125 pesos kada kilo.
Kaugnay nito, sinabi ni DTI o Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na nananatiling stable ang presyo ng manok sa supermarket.
Idinagdag pa ni Lopez na batay sa abiso ng Magnolia at Bounty Fresh suppliers, hindi sila apektado ng bird flu outbreak.
By Meann Tanbio