Bukas sa media ang coverage sa pagbaba sa puwesto ni Pangulong Noynoy Aquino sa June 30 sa Malacañang.
Ayon sa Media Relations Office ng Presidential Communications Operations Office, imbitado ang media sa gagawing departure honors para kay Pangulong Aquino.
Bago mag-alas 12 ng tanghali sa June 30, darating sa Malacañang si President elect Rodrigo Duterte at sasalubungin ito ni Pangulong Aquino.
Mag-uusap ang dalawang lider at pagkatapos ay ihahatid naman ni Duterte si Pangulong Aquino sa labas para sa departure honors na ibibigay ng honor guards ng Presidential Security Group o PSG.
Pagsapit naman ng alas-12 ng tanghali sa June 30, manunumpa na sa posisyon si incoming President Duterte sa Rizal Hall ng Malacañang.
By: Meann Tanbio