Sinisisi ng kampo ni Senator Grace Poe ang pagdi-disqualify ng First at Second Division ng COMELEC sa pagbaba ng senadora sa latest Pulse Asia survey.
Ayon kay Valenzuela Mayor Rex Gatchalian, tagapagsalita ni Poe, posibleng nalito ang publiko sa naging desisyon at inakalang disqualified na si Poe.
Ipinaliwanag ni Gatchalian na umapela pa sila sa COMELEC En Banc at maaari nilang iakyat sa Korte Suprema.
Kaugnay nito, mas paiigtingin pa nila ang pagpapaliwanag sa publiko na tuloy na tuloy pa rin ang pagkandidato ng senadora.
By Rianne Briones | Cely Bueno (Patrol 19)